Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

San-En Neophoenix giba sa Akita

TUMUKOD ang huling remate ng San-En NeoPhoenix para makuha ng Akita Northern Happinets ang panalo 89-79 nitong Biyernes, Araw ng Pasko sa Filipinas,  sa pagpapatuloy ng 2020-21 B. League sa CAN Akita Arena.

Sa huling quarter ng laban, lamang ng 14 puntos ang Akita.  Bumaba iyon sa anim na puntos  pero nagsilbing bombero si Alex Davis na agad pinatay ang sunog at sinarhan ang pangungulit ng San-En 78-72 na may nalalabing 3:39.

Umiskor si Davis ng lima sa kanyang 11 puntos para sa Akita, kasama roon ang makapatay-sunog na tres sa nalalabing 1:56 sa iskor na 86-74.

Kumamada si Thirdy Ravena ng 9 puntos , sumungkit ng dalawang rebounds at isang assists para madesmaya sa pagkatalo ng San-En sa mahalagang Araw ng Pasko na ipinagdiriwang ng halos lahat ng Filipino.

Pinangunahan ni Stevan Jelovac ang San-En na may 16 puntos, 4 rebounds at 2 assists, samantala si Kyle Hunt at Hayato Kawashima ay parehong may 15 puntos.

Si Davis ang naging tagapaligtas ng Northern Happinets na nagtala ng 17 puntos, 5 rebounds, 3 blocks, 2 assists at two steals. Nag-imprub ang win-lose card nila sa 15-9.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …