Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Lider ng bagong robbery hold-up group sa Bulacan patay sa enkuwentro

NAPASLANG ang pinuno ng sumisibol na bagong robbery hold-up group sa lalawigan ng Bulacan nang makipag­barilan sa mga awtoridad noong Biyernes ng madaling araw, 18 Disyembre.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Dante Tecson, Jr., alyas Jun, residente sa Barangay Calumpang, sa bayan ng San Miguel, sa naturang lalawigan.

Batay sa ulat, ang grupo ni Tecson ang bagong robbery hold-up group sa bayan ng San Miguel, at sila rin umano ang nagkakalat doon ng ilegal na droga at sa mga kalapit-bayan.

Sinasabing si Tecson ang lider ng grupo na responsable sa mga insidente ng sunod-sunod na nakawan sa bayan ng San Ildefonso.

Nabatid 3:30 am noong Biyernes, 18 Disyembre, nang magkasa ng drug buy bust operation ang mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), San Ildefonso Municipal Police Station (MPS), San Miguel MPS, at Bulacan Second Provincial Mobile Force Company (PMFC) laban sa suspek.

Samantala, nakatu­nog ang suspek na pulis ang kanyang katran­saksiyon sa ilegal na droga kaya mabilis na tumakbo sa loob ng kanyang bahay, kumuha ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad na napilitan din gumanti ng putok.

Agad dinala si alyas Jun sa San Miguel District Hospital upang mala­patan ng lunas ngu­nit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician.

Sa pagproseso ng SOCO team sa lugar ng krimen, nakuha ang mga bala at baril, tatlong selyadong plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at buy bust money.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …