Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tinapayan ni Ka Tunying, ninakawan, posibleng magsara

GALIT ang naramdaman namin sa taong nagnakaw ng malaking halaga sa negosyong tinapay na pag-aari nina Ka Anthony Taberna at asawang Ka Rossel Taberna.

Bakit kami galit? Dahil alam naman ng taong ito na may kinakaharap na malaking problema ang mag-asawa dahil ang anak nilang si Zoey ay maysakit na leukemia at malaking halaga ang kakailanganin nito.

Base sa kuwento ni Ka Tunying sa Magandang Buhay nitong Martes, ang sama ng loob niya sa taong pinagkatiwalaan niya.

Emosyonal na kuwento ng broadcaster, “Mayroon kaming isang bagay na kanina pa namin pinag-uusapan kung pwede naming i-share rito sa ‘Magandang Buhay.’

“Isipin mo hirap na hirap kami. Alam mo ‘yung pagpapagamot sa katulad ni Zoey, sa kanyang kondisyon, mabigat ‘yon. Minsan napupuntahan niyo itong Ka Tunying’s nadiskubre namin two weeks’ o three weeks ago lamang na kami pala ay ninanakawan ng taong pinagkakatiwalaan namin dito sa kompanya.

“Eh, sabi ko napakahirap naman ‘yung ganoong sitwasyon at hindi maliit na halaga ‘yung kinuha sa kompanya. Kumbaga kumita ka ng kaunti sa pagtitinda ng tinapay, iniipon mo ‘yon tapos kukuhain lang ng ibang tao.”

Dagdag pa, “Sobrang sakit sa pakiramdam. Kaya ang sitwasyon namin ngayon ‘yung tao ay inihahanda namin ang kaso sa kanya. Tinitingnan din namin ang pananagutan ng banko. Kasi malaking halaga.”

Inamin ni Ka Tunying na baka isara nila ang kanilang negosyo kapag hindi nagawan ng paraan.

“Sabi ko nga, kundi namin mareremedyuhan ngayon ang nangyari, masakit man ipinagtapat ko na sa manager namin na baka ihanda natin ang sarili natin sa pagsasara ng kompanya. Sobra kasing laki niyong nawala kaya napakahirap ng pangyayari ngayon,” sambit nito.

At kahit maraming pagsubok na dumarating sa buhay nina ka Tunying at ka Rossel ay positibo silang malalampasan nila ito at nanatili ang tiwala nila sa Panginoong Diyos.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …