Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 tulak, 2 wanted persons, 6 law violators, timbog ng Bulacan police

NADAKIP ng mga awtoridad ang apat na drug peddler, dalawang wanted persons at anim na law violators sa ikinasang anti-crime operations ng pulis-Bulacan hanggang Linggo ng madaling araw, 13 Disyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, nag­resulta sa pagkaka­aresto ng apat na drug suspects sa iba’t ibang buy bust operations na isinagawa ng Guiguinto, Calumpit, at Balagtas Municipal Police Stations Drug Enforcement Units (SDEU).

Nakuha ng mga operatiba ang anim na selyadong plastic sachets ng shabu, buy bust money, at sari-saring drug paraphernalia.

Dinala ang mga nakompiskang piraso ng ebidensiya sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang pagsususri habang inihahanda ang mga kasong ihahain sa korte laban sa mga suspek.

Samantala, nadakip din ang dalawang wanted persons sa magkakahiwalay na manhunt operations na inilarga ng tracker teams ng 1st Provincial Mobile Force Company at Pulilan MPS sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Sec. 5 (a) at Sec. 5 (i) ng R.A. 9262 at Attempted Murder.

Nasa kustodiya na ngayon ng arresting units ang mga naarestong wanted persons para sa kaukulang disposisyon.

Gayondin, timbog ang anim na suspek sa police response ng mga miyembro ng San Rafael, Hagonoy, Marilao, at Baliwag Police Stations.

Tatlo sa kanila ay suspek sa paglabag sa PD 533 (Anti- Cattle Rustling Law) at paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) na naaresto sa bayan ng San Rafael; dalawang sus­pek sa mga bayan ng Hagonoy at Marilao sa paglabag sa R.A. 8353 kaugnay sa R.A. 7610, at isang suspek sa Acts of Lasciviousness na naaresto sa bayan ng Baliwag.

Kasalukuyang naka­piit ang mga suspek at inihahanda ang mga kasong kriminal na isasampa sa korte laban sa kanila.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …