Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Batman’ dedbol sa buy bust (‘Di na nakalipad)

PATAY ang isang ‘tulak’ matapos pumalag at makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng madaling araw, 5 Disyembre.

Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan PNP, kinilala ang napaslang na suspek sa alyas na ‘Batman.’

Sa ipinadalang ulat ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS), dakong 2:40 am nang magkasa sila ng buy bust operation sa Barangay Sapang Putik, sa nabanggit na bayan laban sa isang alyas Batman.

Matapos ang transaksiyon, nakatunog umano ang suspek sa presensiya ng mga pulis sa paligid kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang back-up team.

Dito nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok sa magkabilang panig na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Sa pagproseso ng SOCO Team mula sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office sa lugar, nakakuha ng mga plastic sachet ng shabu, baril, bala, Rusi motorcycle, cellphone, P500 bill na marked money, at identification cards.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …