Wednesday , August 13 2025

13 pasaway timbog ng Bulacan police

DERETSO sa kulungan ang 13 kataong lumabag sa batas sa magkakasunod na police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon ng umaga, 29 Nobyembre.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nagresulta sa pagka­kaaresto ng apat wanted sa iba’t ibang krimen sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng municipal/city police stations ng San Jose Del Monte, Sta. Maria, Norzagaray, at CIDG PFU.

Kasalukuyang naka­detine ang mga arestadong wanted persons sa kani-kanilang arresting unit/station.

Nagkasa rin ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Marilao Municipal Police Station (MPS) na pitong suspek ang naaktohang nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa LLVG Terminal, sa Cordero Subdivision, Barangy Lambakin, sa bayan ng Marilao.

Nakompiska mula sa mga suspek ang tatlong pirasong pisong barya at bet/cash money na nagkakahalaga ng P1,360 sa iba’t ibang denomi­nasyon.

Samantala, nadakip din ang dalawang suspek sa pagtugon ng pulisya ng San Jose Del Monte CPS at Calumpit MPS, na kinilalang sina Ed Policarpio na nasakote sa kasong Robbery sa No. 820 Sitio Feliciano, Barangay Muzon, sa lungsod ng San Jose del Monte; at si Jaytee Talampas na natiklo sa kasong Grave Threat sa Purok 1, Calumpang, sa bayan ng Calumpit.

Kasalukuyang ini­hahan­da ang mga reklamong kriminal na isasampa sa korte laban sa mga suspek.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Bauertek Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival

“Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival”

 Filipino Inventors shine bright in the recently concluded 4th Silicon Valley International Inventions Festival, held …

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

Baguio City – The Department of Science and Technology – Cordillera Administrative Region (DOST-CAR) have …

Philippine Sports Commission PSC

PSC: Mga Rehiyonal na Sentro ng Pagsasanay, Susi sa Patuloy na Tagumpay                                                                                                                                                              

CHENGDU, China — Nais ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Patrick Gregorio na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *