Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darna, gagawin munang teleserye 

NAPAGDESISYONAN ng Star Creatives na gawin munang teleserye ang Darna ni Jane De Leon at nakatakda itong ipalabas sa 2021 sa iWant TFC at saka lang susunod sa A2Z at Kapamilya channels.

Kasalukuyang inire-revise ang script nito para sa TV series hindi lang matukoy sa amin ng aming source kung isasama ang mga eksenang nakunan na ni Direk Jerrold Tarog sa pelikula. Remember naka-15 shooting days siya sa Darna the movie.

Hindi rin binanggit pa kung sino ang direktor ng TV series at hindi rin puwedeng si direk Jerrold dahil abala ito sa TBA Studio project niya. At higit sa lahat, sa pelikula ang kontrata nito at hindi sa telebisyon.

Inihinto ang shooting ng Darna movie kahit naka-15 days shooting na ito dahil sa Covid-19 pandemic na hindi naman puwedeng dayain ang mga eksena dahil sa ipinatutupad na health protocols na dapat 50 lang ang tao sa location para sa social distancing.

Pawang big scenes ang karamihang kailangan sa Darna bukod pa sa maraming talents din ang kailangan.

“Maraming fight scenes sa ‘Darna,’ maraming talents, maraming big scenes kaya mahirap ituloy sa limitadong tao lang,” say pa ng kausap namin.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …