Monday , December 23 2024

16 law offenders timbog sa Bulacan (Anti-crime campaign pinaigting)

SUNOD-SUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang 16 kataong lumabag sa batas sa pinaigting na kampanya ng Bulacan police laban sa kriminalidad sa lalawigan hanggang kamakalawa, 22 Nobyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, naaresto ang pitong suspek na pinaghahanap ng batas sa bisa ng warrants ng tracker teams ng Norzagaray, Hagonoy, Plaridel, Baliwag, San Ildefonso, Sta Maria, at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) kasama ang Pulilan MPS.

Kasunod nito, natiklo din ang anim pang suspek sa iba’t ibang insidente ng krimen na tinugunan ng mga elemento ng Bocaue, Bustos, Pandi at San Jose del Monte City PNP.

Kabilang sa naaresto ang isang lalaki na nagsasanla ng pekeng gintong pulseras sa isang sanglaan sa Barangay  Poblacion, sa bayan ng Bustos; tatlong lalaki dahil sa robbery hold-up sa harap ng McDonald sa Barangay Muzon, sa lungsod ng San Jose del Monte; isang magnanakaw ng bisikleta sa Barangay Turo, sa bayan ng Bocaue; at isang construction worker ang dinampot sa Barangay Bunsuran 1st, sa bayan ng Pandi dahil sa pagmumura at pagbalibag ng baso sa mukha ng kanyang stepdaughter.

Arestado rin ang tatlo katao na huli sa aktong nagsusugal ng tong-its sa Heritage Homes, Barangay Loma de Gato, sa bayan ng Marilao, sa anti-illegal gambling operation na ikinasa ng mga operatiba ng Marilao MPS.

Nakompiska mula sa kanila ang isang set ng baraha at na nagkakahalaga ng P1,015. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *