Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dragic bubugbugin ni Butler kung ‘di babalik sa Heat

NANINIWALA si  Miami Heat star Jimmy Butler na isang mahalagang piyesa ng prangkisa ang malapit na kaibigan at teammate na si Goran Dragic kung kaya biniro niya ito na ‘uupakan’ kapag nagpasya itong iwan ang Heat at sumalang sa free agency.

At tipong nakinig si Dragic sa biro at lambing ni Butler, pumirma siya ng dalawang taong ‘deal’ para manatili sa Heat at bumalik sa kompetisyon para ipagpatuloy ang misyon na magkampeon sa NBA.   Kinapos lang ang Heat sa nakaraang season at tinalo sila ng Los Angeles Lakers sa anim na laro.

Alam ni Butler na kailangan nila ang beteranong point guard para asamin muli ang titulo sa NBA.

Si Dragic ay nagkakahalaga ng $37.4 million sa loob ng dalawang season.

Malaki ang ginampanang papel ni Dragic sa nakaraang season sa Heat sa regular season at playoffs.  May averaged siya sa regular season ng 16.2 puntos at 5.1 assist per game.

Alas ngayon si Butler sa Miami kumpara sa  nakaraang paglalaro nito sa Tmberwolves at 76ers na  naging demanding ito sa kanyang mga teammates kung kaya madalas na makasira sa mga laro.  Ngayon ay kakaiba na ang kanyang reputasyon bilang leader ng team.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …