HINDING-HINDI makakalimutan ng kilalang California-based skin expert na si Olivia Quido-Co, CEO at founder ng O Skin Med Spa sa California, USA ang experience niya noong nanalong Binibining Pilipinas Universe si Shamcey Supsup taong 2011 dahil halos lahat ng tao ay gusto siyang mahawakan.
Galing noon ng Sao Paulo, Brazil si Shamcey na representante ng Pilipinas sa 60th Miss Universe Pageant at itinanghal bilang 3rd runner-up. Pauwi na ng Pilipinas noon ang maybahay ngayon ni Lloyd Lee at ang stop over niya ay sa US at dumaan sa O Skin Med Spa.
“Hindi ko malilimutan ‘yung experience na ‘yun kasi funny. Papunta palang si Shamcey sa spa ko pero lahat ng photographers at media ay naghihintay sa spa kasi gusto siyang kunan.
“First time nangyari na habang ipini-facial siya, may nagsasabon ng buhok niya kasi limited lang ‘yung time niya so lahat ng mga taong nasa beauty industry gusto siyang mahawakan,” nakangiting kuwento ni Ms O.
Nakuwento pa na pawang mga artista ang mga pumupunta sa clinic niya tulad nina Ruffa Gutierrez, Angel Locsin hanggang sa pumunta na rin si Venus Raj, Binibining Pilipinas Miss Universe 2010 at dito na nagsimulang dayuhin siya ng mga beauty queen.
Ang gusto naman niya sa youngstars, “gandang-ganda talaga ako sa mukha ni Julia Barretto kasi maka-Barretto ako, si Heart Evangelista gusto ko kasi sosyal ang beauty pero hindi ko pa siya nami-meet I would love to meet her at pangatlo gusto ko si Kathryn Bernardo kasi gusto ko siyang umarte.”
Samantala, pinayuhan naman ni Ms O ang ilan ukol sa kung paano mapapanatiling maganda ang skin. Ito ay ang huwag matutulog ng hindi naghihilamos ng mukha dahil ang mga duming nasa face ang nagiging dahilan ng pimples. Dagdag pa na laging maglagay ng oil sa mukha para laging makintab. Oil na hypoallergenic para hindi nakakabara ng pores.
Sa tanong kung anong satisfaction ang nakukuha ni Ms O sa mga taong pinagaganda niya? “I feel good ‘pag ang client comes in na super daming pimples, teenager siya, usually ‘pag ganoon ang cases 17 years old usually nakayuko ang mga batang pumapasok sa spa because wala silang self-esteem and once we help them na mag-clear ‘yung skin, natutuyo ‘yung tighiyawat, pababalatin, tatanggalin lahat ng marka as if walang nangyari sa kanila, walang bakas ng kahapon kumbaga.
“And ‘pag pumapasok ‘yung mga bata, ‘yung self-esteem nila naka-chin up na sila, ‘yun lang super rewarding na ‘yun sa akin kasi in my own little way I was able to help them. ‘Pag maganda ang self-esteem ng mga bata, nagpe-perform better, nagiging positive ang outlook nila sa buhay. So, I think ‘yun ang very rewarding sa akin when I help someone.
“Dalawa ang common concern ng laging lumalapit sa akin, it’s either may pekas sila sa mukha na maitim or marami silang tigyawat. All the clients na tini-treat ko, ‘yun ‘yung dalawang pabalik-balik na pumupunta sa amin.
“Dito kasi sa US lahat ng product na ilalabas ko, kinakailangan ipadaan sa FDA at talagang dumadaan ka sa butas ng karayom. Mayroon akong isang product na ginawa, FDA approval ito, prescription. Hindi ako doktor pero skin care specialist ako, license pero I was able to make a prescription product na puwedeng ibenta ng mga doctor sa buong Amerika.
“’Yung product na ‘yun, miracle product ‘yun na ‘pag inilagay sa mukha, ‘yung itim nila sa mukha talagang natatanggal 80-85%, giving them flawless skin so ‘yun ‘yung achievement na masasabi ko kasi we were able to formulate a miracle product na talagang makatutulong sa babae at lalaki na matanggal ‘yung itim sa mukha.
Naikuwento rin ni Ms O na sa 2021 ay magre-rebranding siya sa mga produkto niya dahil plano na niya itong ilagay sa mga supermarket o tinatawag na modern trade.
At ang isa sa importanteng sikreto ni Ms Olivia Quido-Co kung bakit nakilala nang husto ang kanyang O Skin Med Spa ay dahil nagbibigay siya ng bahagi ng kita niya sa church bilang pasasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap niya sa araw-araw.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan