Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Character actor, ‘di napigil ang utot kasabay ng pagsigaw ng director ng ‘acting’

PIGIL na pigil ang tawa ng ilang artistang nakasalang sa eksena ng pelikulang ginagawa nila dahil isa sa kanila ay umutot ng malakas.

Nakaupo ang lahat sa hagdanang ginagamit ng mga nagkakabit na cable at sumigaw na ng ‘acting’ ang direktor nang biglang sumabay ang malakas na utot ng isa sa cast na nagkagulatan at dahil on-going ang kamera kaya pinipigil nila ang kanilang mga tawa. Ang pinaka-bida sa pelikula ay napalunok na lang pero halatang natatawa.

At nang sumigaw ng ‘cut’ ang direktor ay doon na naghagalpakan ang lahat na mabuti na lang daw ay walang amoy at pakiramdaman kung sino ang nagpa-putok pero deadma lahat.

Duda naman ng lahat ay mula sa character actor na malaki ang pangangatawan dahil nga malakas ang buga nito.

Ang character actor ay kaliwa’t kanan ang teleserye dahil mahusay siya talaga.

At kaya pala hindi nakapagpigil ay dahil sa mineryendang kamote que. (Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …