Pero bago naman dumating ang offer ng NET 25 ay dumaan sa depression si Ynna.
“Opo, noong Apri and May, dumaan ako sa depression and anxiety, doon talaga lumapit ako kay Lord kasi parang bibigay na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko.
“Kaya nga po kapag inilagay mo si God sa center ng buhay mo, everything will fall into place at sobrang answered prayer ito (Daigdig Koy Ikaw), June ko lang po lahat ipinagdasal ang lahat ng nangyayari sa life ko,” pag-amin ng dalaga.
Si Ynna ay si Reina Dimayuga na nag-iisang anak at nagmamay-ari ang kanyang magulang na sina sina Tanya Gomez at Manolo Silayan ng nag-iisang sikat na hotel sa kanilang bayan, ang Olvida.
Makakasama ni Ynna sina Geoff, Elizabeth Oropesa, Richard Quan, Shiela Marie Rodriguez, Arielle Roces, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Paulyn Ann Poon, Myrna Villanueva Tinio, Jellex David, at AJ Muhlach.
Mapapanood tuwing Sabado, 8:00 p.m. ang nasabing serye simula ngayong buwan ng Nobyembre at ang bawat episode ay may titulo.
Episode 1 – Welcome to Olvida
Episode 2 – Lockdown
Episode 3 – Big Deal
Episode 4 – Ghost Town
Episode 5 – Going Viral
Episode 6 –So Close Yet So Far
Episode 7 – Haunted House
Episode 8 – The Promise
Episode 9 – Blast from the Past
Episode 10 – Save the Date
Episode 11 – Atras-Abante
Episode 12 – A Father’s Love
Episode 13 – Reina ng Mundo Ko
Ang DKI ay idinirehe ni Eduardo Roy, Jr. isinulat naman ni Bing Castro-Villanueva under the supervision of director/writer Nestor Malgapo, Jr produced ng Eagle Broadcasting Corporation.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan