Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 timbog sa Valenzuela buy bust (Sa P.1-M shabu)

APAT ang nasakote, kabilang ang isang biyuda na nakuhaan ng mahigit sa P176,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Eryl Bergonia, 34 anyos, at Mary Ann Evangelista, 47 anyos, biyuda, kapwa residente sa M. Gregorio St., Barangay Canumay West ng nasabing lungsod.

Nahaharap sa kasoong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawa.

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 10:45 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa M. Gregorio St., Barangay Canumay West.

Kaagad inaresto nina P/SSgt. Gabby Migano at P/Cpl. Dario Dehitta ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si P/Cpl. Randy Canton na nagpanggap na buyer.

Ayon ay P/SSgt. Ana Liza Antonio, may hawak ng kaso, narekober sa mga suspek ang aabot sa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy bust money, P250 cash at cellphone.

Samantala, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy bust operation sa Kampupot St., Barangy Balangkas, dakong 5:45 am si Rolando David, Jr., at Gerardo Agregado, Jr., kapwa 39 anyos, matapos bentahan ng P2,000 halaga ng shabu ang pulis na poseur buyer.

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 16 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P108,800 ang halaga, buy bust money, P1,800 cash at dalawang cellphones.

ROMMEL SALES

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …

Ping Lacson Bato Dela Rosa

Pagpataw ng parusa sa absenerong senador deadma kay Lacson

WALANG BALAK si Senador Panfilo “Ping” Lacson na makiisa o makisama sa mga taong nais …