Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

Asunto vs pulis na nakapatay ng drug suspect utos ni Miranda

NASA balag ng alanganin ang karera sa pagpupulis ng isang miyembro ng Manila Police District (MPD) na sinasabing nakabaril at nakapatay ng isang nadakip na suspek sa ilegal na droga na naganap sa loob mismo  ng Manila Police District –  Moriones Station (MPD-PS2) noong linggo ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nabatid na ipinag-utos ni MPD Director P/BGen.  Rolando Miranda na sampahan ng kasong kriminal si P/Cpl. Jomar Caligaran ng MPD General Assignment and Investigation Section (GAIS) sa Manila Prosecutors Office.

Sa ulat, sinabi ni Caligaran na habang nasa loob ng presinto ang isang hindi pa pinapangalanang suspek na natiklo sa Chacon St., dahil sa ilegal na droga, naglabas umano ng kalibre .22  at pinaputukan ang pulis pero nagmintis.

Kasunod ntio, nagpambuno umano ang pulis at ang suspek hanggang pumutok ang baril na ikinamatay ng naaresto.

Gayonman, tila hindi kombinsido si Miranda sa salaysay ni Caligaran dahil nakapagtataka aniya na hindi nakita ng pulis ang sinasabing baril ng suspek nang madakip sa kalsada at aniya bakit hindi nakaposas.

Sinabi ni Miranda na hindi siya magbabase sa naturang ulat at kailangan pa rin magsagawa ng dagdag na imbestigasyon para malaman ang tunay na pangyayari.

Ayon kay Miranda, pinaiimbestigahan na niya ang criminal at administrative liability ng nasabing pulis. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …