Saturday , November 23 2024

Apat na sports idinagdag sa Vietnam SEA Games

IKINAGALAK ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pagkakadagdag ng apat na sports sa Vietnam 31st Southeast Asian Games program na ang tatlo dun ay magiging kapakipakinabang sa tangka ng bansa na mapanatili bilang biennial event’s overall champion.

Inanunsiyo ng Vietnam ang pagkakasama sa event ng jiijitsu, esports, triathlon at bowling, para tumaas sa 40 sports ang nakatakda sa November 21 to December 2  na pangungunahang i-host ng Hanoi at Ho Chi Minh para sa ikalawang pagkakataon pagkaraan ng 2003.

“This is good news for us because we dominated three of these four sports when we hosted the games in December 2019,” sabi ni Tolentino.

Dinomina ng Filipino athletes ang jiujitsu na may limang gold medals at esports na may tatlo at winalis ang lahat ng events sa triathlon sa 30th SEA Games.

Sinabi pa ni Tolentino na mananatiling hihiritin niya ang larong baseball/softball, soft tennis, duathlon, windsurfing at wakeboarding/water skiing, ang mga sports na dinimona natin nung 2019.

Ayon sa Vietnam, ang SEA Games Federation Executive Committee ay inaprubahan ang apat na nadagdag sa naging online meeting at magkakaroon ng pormal na announcement sa Nobyembre.

Ang triathlon ay isang developing sport na maraming international race ay lumalarga sa rehiyon.

Plano ng host na idaos ang sport sa northern Quang Ninh Province.

Dota 2, Arena of Valor at Pro Evolution Soccer ay ang tatlo sa anim na esports events na ilalaro sa  Games.

Ang pagkakadagdag ng apat na sports ay meron ngayong paglalabanang 40 games, 16 na mas mababa sa nakaraang SEA Games, na isinisi ng Vietnam sa ‘economic downturn’ dahil sa sa Covid pandemic.

Ilalarga naman ang Para Games mula Disyembre 14 to 21.

Tumapos ang Vietnam sa ikalawang puwesto sa nakaraang SEA Games na may 288 medals, kasama ang 98 golds.

Ang ilalargang  sports sa November 21 to December 2 Vietnam 31st SEA Games ay ang mga sumusunod: aquatics (diving and swimming), archery, athletics, badminton, basketball (5×5 and 3×3), billiards, bodybuilding, bowling, boxing, canoeing, chess, cycling (road and mtb), dancesports, esports, fencing, and football (football, beach soccer and futsal).

Nasa programa rin ang  golf, gymnastics (artistic, rhythmic, and aerobic), handball, judo, jiujitsu, karate, kickboxing, kurash, muay thai, pencak silat, petanque, rowing, sepaktakraw, shooting, table tennis, taekwondo, tennis, triathlon, volleyball (beach and indoor), vivinam, weightlifting, wrestling, and wushu.

-DANNY SIMON-

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *