PANANAW ng ilang kilalang kritiko sa NBA, kahit na hindi i-trade ng Bucks si Giannis Antekokounmpo, posibleng sumalang pa rin ito sa 2021 free agency. At kapag nangyari iyon ay hindi naman papayag ang Milwaukee Bucks na pakawalan na lang basta ang kanilang superstar nang walang kapalit. Kaya ang patas na mangyayari ay iti-trade nila si Giannis.
Ang puwedeng maging destinasyon ng trade kay Giannis ay sa Golden State Warriors.
Pumalpak ang Milwaukee sa nakaraang NBA season na makasampa sa NBA Finals, kaya sentro ngayon ng pagtasa sa tunay na nasasaloob ni Antetokounmpo sa nangyari. Dahil sa kabiguang iyon ay maraming miron ang nagsasabi na hindi bagay ang two-time MVP sa Bucks kaya dapat na siyang lumipat sa bagong team—tulad ng Golden State Warriors.
Sa nangyayari kay Giannis, may pananaw si dating NBA superstar Allen Iverson sa naging appearance nito sa “All the Smoke” podcast sa programa ni Stephen Jackson at Matt Barnes.
Pinag-usapan sa nasabing podcast kung saang team nababagay si Antetokounmpo at walang kakurap-kurap na sinabi ni Iverson na mas gusto niyang makita si Giannis na lisanin ang Bucks para sa Warriors. Dagdag pa niya kung maibabalik lang ang panahon ay gusto niyang maging teammate ang Greek Freak.
“I thought you were about to say KD (Kevin Durant),” sabi ni Jackson.
“Oh nah, nah, nah! Yeah. I would love to play with KD. I love Giannis now. I love Giannis. I love Giannis. I’m trippin’ because I haven’t seen KD in a minute. I’m trippin’. I’m trippin’ hard. No disrespect to Giannis. I love Giannis,” sagot ni Iverson.
“I hope he leaves too. Go to Golden State, ” tugon ni Jackson.
Iverson: “Yes. Yes. I would love him to go there. That’s where I want him to go. I want him to go to Golden State man.”
Ang posibilidad na umalis nga si Antetokounmpo sa Bucks at sumanib sa tambalang Stephen Curry at Klay Thompson ay isang napakagandang mangyayari para sa fans ng Warriors.
Pero ang problema ngayon ng Warriors ay kung ano ang pinakamagandang offer nila para makuha ang serbisyo ng two-time MVP.