Wednesday , August 13 2025

Marcial handa nang sumalang sa training  

LUMAPAG na sa  US si middleweight Eumir Felix Marcial kaya anumang oras ay maaari na siyang magsimula ng kanyang trainings.

Pahayag ni 24-year-old Marcial na magsisimula na siyang  mag-ensayo  para paghandaan ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at ang debut niya bilang professional boxer sa United States.

Matagal na walang pormal na ensayo si Marcial dahil sa pagsasailalim sa quarantine ang bansa dulot ng coronavirus (COVID-19).

Nitong Marso ay lumaganap ang COVID-19 pandemic kaya itinigil lahat ng sporting events.

Nagpapasalamat ang tubong Zamboanga City Marcial sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman William “Butch” Ramirez sa pagtulong na makapunta siya sa US para paghandaan ang Olympics.

Si Hall of Fame trainer Freddie Roach, assistant coach Marvin Somodio at strength and conditioning coach Justin Fortune ang makakasama ni Marcial sa trainings.

“He will start preparing for many, many things,” saad ni Sean Gibbons ang pangulo ng MP Promotions ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao. “Preparing for his 2021 Olympics, preparing for a possible debut later this year.”

Target na  gawin sa November o Decemeber ang pro debut ni Marcial sa isang non-title bout.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang …

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

V League

V-League Collegiate Challenge ngayong Sabado na

Ynares Sports Arena, Pasig 10 a.m. – NU vs Arellano (Men) 12 p.m. – UST …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *