Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, Paul magkakasama sa Lakers

KILALANG magkaibigan sina basketball superstar LeBron James at Chris Paul sa labas at loob ng court at iyon ang puwedeng maging  daan  para magkasama sila sa iisang team.

May mga usapang posibleng magsama sina James at Paul sa 2020-21 NBA season.

“Chris Paul would love to come back to L.A. I know it would be a dream come true for Chris,” hayag ng isang Eastern Conference executive. “I know LeBron loves and trusts him and he would be a good fit.”

Sakaling ma-trade si Paul sa Lakers, maaaring bitawan sina Kyle Kuzma, Danny Green at Quinn Cook kasama sina Avery Bradley at JaVale McGee at ang No. 28 pick nila sa November draft.

Mahirap kung iisipin pero  may paraan kung gugustuhin na makuha si Paul.

“It seems like a risk, but sometimes you need to [execute big moves] to make yourself even better,” ani ng executive, “The [Golden State] Warriors will be better. The [Los Angeles] Clippers may be better. The [Denver] Nuggets aren’t going to get worse. Your competition is getting better. It worked [in Orlando] for the Lakers, but I don’t know if you have a normal regular season without the bubble if it does.”

Marami pang dapat pag-usapan kaya hindi agad made-desisyunan ang pakay ng Lakers lalo na’t maganda ang ipinakikitang samahan  ng team.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …