Monday , December 23 2024

Videoke bawal sa Malolos (Para sa ‘new normal classes’)

IPINAGBAWAL na ang pagpapatugtog nang malakas tulad ng mga karaoke at videoke habang nagkaklase ang mga estudyante sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan.

Nakasaad ito sa Kautusang Panglungsod Blg. 79-2020 na bawal na ang pagpapatugtog nang malakas ng mga naturang aplliances mula 7:00 am hanggang 4:00 pm, at mula 10:00 pm hanggang 7:00 am, mula Lunes hanggang Biyernes.

Inilabas ang alituntunin bilang pagsuporta sa mga mag-aaral na sumasailalim sa online o distance learning sa kanilang mga bahay ngayong may pandemya.

Nakasaad din sa memorandum na pagmumultahin ang mga lalabag sa kautusang ito mula P500 sa unang paglabag; P1,000 sa ikalawa; at  P3,000 sa ikatlong paglabag.

Kaugnay nito, inatasan ng Bulacan PNP ang mga barangay official sa nasabing lungsod na makipag­tulungan sa pag­papatupad ng naturang batas.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *