Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star Cinema, sasabak na rin sa paggawa ng BL movie

JOIN na rin ang Star Cinema sa paggawa ng BL o Boy’s Love movie na pagbibidahan nina Jameson Blake at Joao Constancia mula sa direksiyon ni Bobby Bonifacio na nagdirehe ng horror movie na Hellcome Home na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Teejay Marquez, Gillian Villavicencio, Beauty Gonzalez at marami pang iba.

 

Ibang-iba naman ngayon ang genre ng pelikula ni direk Boni dahil tatalakay ito sa pagmamahalan ng parehong lalaki.

 

Patok na patok kasi sa panahon ng pandemic ang naunang BL series na Game Boys nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas na sinubaybayan kaya umabot sa 12M views and counting pa dahil mainit pa ring pinag-uusapan.

 

Ang dapat na 8 episodes ay naging 13 kaya magkakaroon ng season 2 bago gawing pelikula ng IdeaFirst Company nina Direk Jun Lana at Perci M. Intalan.

 

Pero mabilis ang Star Cinema dahil bago pa gawing pelikula ang Game Boys ay uunahan na nila ng mga sikat nilang aktor na sina Jameson at Joao.

 

Hindi lang namin alam kung gaano ka-daring ang dalawang bida pagdating sa physical contact dahil ang Game Boys stars ay may laplapan.

 

Samantalang ang isa pang mainit na pinag-uusapang My ExtraOrdinary nina Enzo Santiago at Darwin Yu na umeere sa TV5TV5 website,WeTV, iFlix, YouTube, at GagaOOLala at FilmCity ay wala pang ipinakikitang halikan sa ngayon dahil kasisimula palang kaya puro landian lang na ikinakikilig naman na ng mga nakakapanood kahit mga babae.

 

Going back to Jameson and Joao, alam naming walang qualms ang una pagdating sa gay role, hindi lang namin alam ang huli kung okay sa kanya ang may intimate scenes.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …