Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, balik sa pag-aaral; sising-sisi sa paglalaro ng computer

Habang wala pang ginagawang proyekto ngayong panahong ng pandemya si Joshua Garcia ay back to school ang drama niya bukod sa pagbabasa ng libro at kung ano pang puwede niyang gawin sa bahay nila.

Sa kanyang Instagram story ay ipinakita ng aktor ang kanyang school ID bilang pruweba na balik na siya sa pag-aaral.

Aniya, “It’s never too late to do something new. Use this pandemic time to create or learn new things.”

Tulad ng sinabi ni Joshua sa panayam sa kanya ni Erich Gonzales sa vlog nito ay entrepreneurship ang gusto niyang kurso dahil nga plano nitong magtayo ng negosyo at sa Southville International School Affiliated with Foreign University siya nag-enrol.

“You just need courage and perseverance. And remember, ‘Procrastination is the enemy of Success,’” anang binate na pinulot sa isang inspirational quote.

Dagdag pa, “Not paid promotion.”

Bukod sa muling pagbabalik sa pag-aaral ng aktor ay ibinubuhos na rin niya ang oras sa pagbabasa ng mga librong binili niya noon na itinambak lang, ito ang isa sa nabanggit niya sa panayam niya kay Erich.

At aminadong nagsisisi siya sa maraming oras na nasayang sa paglalaro ng mobile legend at gusto niyang baguhin ito.

 “Ang pagko-computer ko, ang dami kong nasayang na oras sa pagko-computer ko. Inaabot ako ng two days naglalaro lang as in araw-araw, very unproductive!

“Yung mga time na ‘yun sana nagbasa ako ng libro o nagpunta ako sa gym. Hindi ko na-balance ‘yung oras ko.

“Ang biggest learning ko ngayong 2020, dapat may bago ka laging natututuhan para hindi ka maliitin ng iba kaya dapat nag-aaral ka,” pahayag ng aktor.

Samantala, abangan ang vlog ng aktor dahil posibleng matuloy na ang guesting ng ex-girlfriend niyang si Julia Barretto na nangakong okay sa kanya ang collaboration nilang dalawa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …