Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

WBA title ‘di taya Pacquiao vs McGregor

TANGAN ni Manny Pacquiao ang titulo sa WBA welterweight nang agawin niya kay Keith Thurman sa Las Vegas noong summer ng 2019.

Dinomina ni Senator Pacquiao ang laban kontra American fighter sa early round, kasama ang matinding knockdown ni  Thurman sa 1st round.

Gayonman, naghabol sa mga huling rounds ang dating kampeon para dumikit ang iskor sa pagtunog ng final bell.

Nanalo si Pacman via split decision para angkinin ang title belt.

Ang titulong hawak ngayon ni Pacquiao ay hindi taya sa magiging bakbakan nila ni Conor McGregor kung ito ay matutuloy.

Magiging isang exhibition match ang paghaharap nila at posibleng mas mataas sa 147 pounds ang kanilang paglalabanang timbang.

Tinitiyak ng WBA na uupo lang sila sa nasabing event.

Sa kasalukuyan ay wala pang mandatory challenger si Pacquiao sa tangang titulo.

Tanging ang regular champion, interim champion at gold champion ang puwedeng maghamon sa kanya.

Walang itinakda ang WBA kay Pacquiao kung sino ang dapat niyang makaharap.

Nangangahulugan na walang obligasyon si Pacquiao para labanan ang sinoman na taya ang kanyang title.

Pero puwedeng kombinsihin ni McGregor ang WBA na bigyan siya ng oportunidad.

Matatandaan na giniba siya sa 10th round ni Floyd Mayweather sa unang pag-akyat niya sa ring noong 2017.

At sa karta niyang 0-1 sa boksing, marami ang bumabatikos na hindi siya karapat-dapat na maging challenger ni Pacman para sa tangan nitong titulo.

Ayon kay Stephanie Trapp, ang challenger ay dapat  nasa hanay ng listahan ng contenders, na dapat ay nanalo sa huli niyang professional bout.

Nangangahulugan na si McGregor ay walang karapatan na hamunin ang kampeon para sa title.

Walang komento ang kampo ni Pacquiao tungkol sa nasabing isyu. Pero malinaw ang pahayag ang kampo niya na haharapin ni Pacquiao ang mapublikong si MMA fighter na McGregor dahil sa malaking ‘purse’ na ang portion nito ay ibabahagi ng Senador sa naging biktima ng CoVid-19 pandemic.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …