Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Death rumors’ ni Ja Morant lumabas sa ‘prank website’

NAGING viral sa social media ang alingasngas ng naging kamatayan umanoni Ja Morant ng Memphis Grizzlies.

Dumagsa sa internet ang impormasyon tungkol sa umano’y naging kamatayan ng NBA star player Ja Morant.

Ang impormasyon ay walang katotohanan dahil ang Grizzlies star ay malusog at buhay na buhay. Ang source ng umano’y kamatayan ni Morant ay walang solidong ebidensiya at walang detalye tungkol sa dahilan ng kamatayan, lugar at oras ng kamatayan.

Isang fake news ang kumalat na balita tungkol kay Morant. Ang source ng tsismis ay nanggaling sa ‘prank website’ na sinakyan agad ng mga walang magawang fans at tiniyak nilang magiging viral iyon sa social media na wala naman silang ginawang pagtitiyak sa tunay na nangyari.

Ang prank website ay pinangalanang “channel45news” na siyang naging source ng balita.   Ang report ay walang byline at wala rin detalye.

Sinasabi lang na ang 20-anyos ay namatay dahil sa hindi malamang sakit at ito raw ay malungkot na kaganapan para sa Memphis Grizzlies.

Sa pagtatapos ng report ay malinaw na nakasulat doon ang “you’ve been pranked” pero ang balitang iyon ay binigyan ng matinding atensiyon ng fans sa buong mundo at ikinalat sa social media.

Ang 6-foot-3 point guard ng Grizzlies ay hindi pa sumasagot sa rumors at kasalukuyang nagha­handa para sa susunod na season.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …