SAYANG at nauna ang virtual presscon ng Walang Hanggang Paalam nitong Huwebes, kaysa House Tour ni Bea Alonzo na ex-girlfriend ni Zanjoe Marudo dahil gusto sana naming hingan ng komento ang aktor na kahit wala na sila ng aktres ay naka-display pa rin ang regalo nitong art piece, babaeng nagpapalipad ng saranggola na gawa ni Michael Cacnio na nakalagay sa center table sa sala.
Sa nasabing house tour ni Bea ay ikinukuwento niya na bawat art collection na nasa loob ng bahay niya ay may mga dahilan kung bakit niya binili, saan niya binili o bigay sa kanya tulad nga ng bigay ng dating karelasyon na gustong-gusto niya.
“Can I just say na gustong-gusto ko ‘to, this was gifted to me by Zanjoe before, siyempre when we broke-up I was wondering kung dapat ba tinatanggal ‘yung mga mayroon ka from your ex but I just find it so beautiful and it reminds me of our good memories, so I thought why not keep it and I kept it, it’s really nice,” kuwento ng dalaga.
Mukhang si Z (tawag kay Zanjoe) lang yata ang nakasundo ni Bea pagdating sa mga art collection dahil ang aktor lang ang nagregalo sa kanya na naroon sa loob ng bahay niya bukod sa bigay din ng non- showbiz friends niya.
Anyway, bukod sa alaala ng dating boyfriend ay nasa bahay din ni Bea ang collage art ni Anne Curtis na gawa ng kaibigan niyang conceptual artist and curator.
Ang kuwento ng aktres, “this is a collage art by Gary-Ross Pastrana, he is also a friend of mine, he came over here for our meeting at nakita niya ‘yung work niya and then sabi niya, ‘alam mo kung sino ‘yan?’
“Sabi ko, ‘sino?’ akala ko namin mayroon siyang sasabihing kakaiba o sobrang lalim. Sabi niya, si Anne Curtis daw ‘yan (sabay turo sa frame). Sabi ko, paano naging si Anne’ yan hindi ko siya makita?
“Ang sabi niya, kinomisyon siya ng isang magazine at kailangan niyang gumawa ng collage from different pictures of Anne Curtis. So, if you look closely, makikita mo nga ‘yung nunal ni Anne, ‘yung lips ni Ann. So, Anne Curtis, you are hanging on my wall in my house,” kuwento ng aktres.
Ang nasabing collage art frame ay nakasabit sa puting dingding na nakalagay ang vintage turntable na pinatutugtog ni Bea kapag may mga bisita siya.
Anyway, nalula kami sa bahay ni Bea na para kaming pumasok sa art museum o lobby ng hotel na maraming naka-display, plus ang napaka- organize na kitchen na puro puti ang gamit at collection ng tea pots at ang pinaka-gusto naming parte ay ang pantry area na nakalagay ang lahat ng stocks at may mga label lahat, nandoon din ang ibang collections niya ng magagandang plato na tinawag niyang ‘plate room.’
Ang ganda rin ng dirty kitchen na hindi naman dirty na may coffee table para sa kasambahay niya na nilagyan niya ng halaman.
“I wanted to look nice and clean kaya nagpalagay ako ng storage area ayoko namang because it’s a dirty kitchen, dirty talaga,” esplika ni Bea.
Bukod sa dirty ay may parte rin na utility area na nakalagay ang kanyang washing machine.
Nabanggit din ng aktres na mahilig siyang magluto, katunayan marami siyang ipinaglutong frontliner noong kasagsagan ng lockdown.
Isa pa sa gustong-gusto naming parte ng bahay ng aktres ay ang kanyang lanai na ginawa niyang art studio na tinatambayan niya kapag na-i-stress siya.
“I’m not a painter, I’m not good at painting but I do it just to relax to relieve my stress and it’s been doing the job very well,” kuwento ni Bea.
Ang sarap panoorin ng house tour ng aktres dahil ang ganda at napaka-cozy. Nabanggit din niyang madalas maging venue ang bahay niya para sa bridal shower at baby shower ng sister in law niya, bridal shower ng bestfriend niya.
Mas maganda sigurong panoorin na lang ang house tour part 1 ni Bea sa kanyang YouTube channel.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan