Saturday , November 23 2024
paulo avelino

Paulo, napilitang magtrabaho kahit takot sa Covid — Kailangan ng mga tao ng trabaho

SA virtual presscon ng Walang Hanggang Paalam handog ng Dreamscape Entertainment ay inamin ng mga bidang sina Angelica Panganiban, Arci Munoz, Zanjoe Marudo, at Paulo Avelino na ayaw nilang magtrabaho sa panahon ng Covid-19 pandemic for health reasons.

Pero nang mabasa nila ang script at para na rin sa mga taong kailangan ng trabaho sa panahon ng pandemya ay um-oo ang apat.

Kuwento ni Paulo, ”hangga’t maaari ay tina-try kong hindi lumabas pero sa pagkakataong ito kailangan ng trabaho ng mga tao at pati na rin ako, so iyon ang isang motivation.  Hindi na ito tungkol sa aming mga artista, it’s for everyone for the show.”

Bago pa nagkaroon ng pandemya ay nasimulan na ito na ang plano ay magso-shoot sila sa maraming lugar sa loob at labas ng bansa at nagkaroon ng break dahil nga sa pandemic na inakala nga nina Paulo ay wala na ang project.

“I’m just happy and thankful na natuloy. I wouldn’t say it’s a smaller scale kasi we’re still following the script na original script. Medyo naiba lang ‘yung locations dahil sa lock-in,” saad ng aktor.

Gagampanan ni Pau ang karakter na Emman, dating NIA agent at ex-girlfriend niya si Angelica at may anak sila, si Robbie. Maraming napasukang problema ang aktor dahilan kaya nasira ang binubuo nitong pamilya.

“Hindi lang sa trabaho kundi pati sa pamilya ko which is Angelica and our son. Parang dahil sa mga inaasahang pangyayari, nalalagay na naman si Emman sa mga sitwasyon na may kailangan siyang hanapin.”

At dahil may anak ding lalaki sa totoong buhay si Paulo kaya tinanong kung relatable ang karakter niya bilang Emman.

“I wouldn’t say it’s similar (sa totoong buhay niya). Siguro may hawig. May anak din naman ako and alam ko rin ‘yung pakiramdam. Para ‘yun na rin ‘yung pinagbabasehan ko siguro,” say nito.

Abangan ang journey ni Emman sa Walang Hanggang Paalam at makakasama rin sina Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Mary Joy Apostol, Sherry Lara, Victor Silayan, Javi Benitez, at Cherry Pie Picache sa direksiyon nina Emmanuel Palo at Darnel Villaflor.

Mapapanood ang Walang Hanggang Paalam simula ngayong gabi, Lunes, 9:20 p.m. sa cable at satellite TV via Kapamilya Channel (SKYchannel 8 on SD and channel 167 on HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, and most cable operator- members under Philippine Cable and Telecommunications Association).

Puwede rin itong mapanood sa Kapamilya Online Live livestreaming daily sa ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel at Facebook page, iWantTFC app (iOs and Android) and on iwanttfc.com at Filipino Channel.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *