Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, apology ang hihingin kay Jay Sonza at ‘di demanda

DAHIL pala kay Ruffa Gutierrez kaya nalaman ng tatay ni Julia Barretto na si Dennis Padilla ang tsismis na buntis ang anak.

 “Actually ang unang nagtanong dito sa akin sa set si Ruffa Gutierrez. Sabi niya sa akin, ‘Kuya Dennis, totoo ba?’

“Sabi ko hindi siguro dahil kung totoo iyan, magte-text din naman sa akin ‘yan na ‘Papa I’m pregnant.’ Wala eh. Tapos nakita ko nga ‘yung litrato ni Julia sa Instagram niya. So fake news talaga,” sagot ni Dennis sa panayam niya sa Showbuzz ni Papa Ahwel Paz sa DZMM Teleradyo.

 

Dagdag pa, “ang akin lang na gusto kong sabihin kay Kuya Jay, ‘Kuya Jay, bago ka sana nag-comment ng ganoon, sana tinawagan mo naman ako o kaya tinanong mo kay Marjorie (Barretto) o kaya mag-text ka sa kung sino man ang malapit kay Julia para malaman kung totoo o hindi.

“Kasi parang ang pagkabitaw ni Jay Sonza, parang casual. Hindi siya news type. So ‘yun lang. Siguro ang kulang ni Kuya Jay doon is coordination sa mga magulang at saka roon sa bata.”

 

At dahil napatunayang fake new na buntis si Julia, may plano bang gawing magdemanda ang tatay ng aktres.

 “Hindi na siguro kasi lalaki namang kausap si Kuya Jay. Mag-uusap na lang kami, tawagan and kung kailangan mag mag-apologize, apology lang siguro. Ayos lang ‘yun dahil kaibigan din naman natin si Kuya Jay,” sagot ng tatay ng dalaga.

 

Sa tanong ni Papa Ahwel kung sinubukan ni Dennis na kausapin si Jay Sonza.

“Hindi pa kasi halos three days na kaming busy na talagang from morning till night kami nagshu-shoot dahil may hinahabol din kaming oras kasi nag-umpisa kami ng teleserye. Tapos naka-lock in pa kami kasi nga extra effort sa artista at saka sa crew ‘yung pagte-taping. Para kang inilalagay sa bubble kailangan namin ng swab test, swab test sa umpisa, swab test sa gitna, swab test sa dulo kaya naming mag-concentrate sa trabaho dahil effort talaga ngayon ang gumawa ng teleserye,” paliwanag pa ng aktor.

 

Hindi pa rin nakakausap ni Dennis ang anak.

“Hindi pa kami nag-uusap. Nag-text lang kami ni Leon kahapon (isa pa niyang anak) kumustahan lang. I also respect the privacy of my daughter, she’s already 23 adult na iyan eh.

“Si Julia kapag may hinihinging advice ‘yan, magte-text lang naman sa akin iyan. Hindi ko bino-volunteer ‘yung advice ko kasi adult na siya. Kapag nagtanong lang siya ng ‘Papa what can I do?’ Roon lang ako nag-a-advise hindi ko ‘yun pinangungunahan, hindi ko ginagawa sa mga anak ko ‘yun. I respect them as a responsible adult. Number two, I respect them as my children,” paliwanag ng tatay ng aktres.

 

Samantala, nakita naman sa video ng Showbuzz si ex-Mayor Herbert Bautista na kasama sa taping ng teleserye nina Daniel at Kathryn Bernardo.

 

“Si Mayor kasi ang tatay ni Kathryn at ako naman ang tatay ni Daniel,” tumawang sambit ni Dennis.

 

Hayan may scoop pa, gumigiling na pala ang serye ng KathNiel.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …