Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mama Bob ni Angeline, gising na

PAGKALIPAS ng tatlong araw na tulog ay gising na si Mama Bob ni Angeline Quinto matapos operahan sa ulo dahil may namuong dugo noong nakaraang linggo.

Ito lang ang update na nabanggit sa amin ng kaibigan ni Angeline kahapon na masaya ang mang-aawit dahil gising na ang mama Bob niya na ilang beses siyang humingi ng panalangin sa lahat na tulungan siyang magdasal.

Noong Setyembre 10 ay nag-post si Angeline ng, “Gusto kong kumatok sa mga puso niyo, Tulungan niyo po akong ipagdasal ang Mama Bob ko. Kailangan na kailangan po namin ng tulong niyo sa pagdadasal. Nakikiusap po ako. isama niyo po ang Mama Bob ko sa mga panalangin niyo.”

At sinundan pa ng, “Ito ang pinaka matinding pagsubok sa buhay ko.  Hindi mo ako kahit kailan binigyan ng pagsubok na hindi ko Kaya. Ama, buong-buo ang tiwala at pananalig ko sayo. ‘Wag mong pabayaan ang taong pinakamahal ko Ama.”

Patungong Tagaytay noong Huwebes, Setyembre 10 sina Angeline at Mama Bob para mamili ng makaramdam ng hilo hanggang sa nasuka ang adoptive lola ni Angge kaya’t kaagad itinakbo sa ospital at dito nakitang may namuong dugo na kailangan operahan.

At dahil gising na si Mama Bob, sigurado kaming road ro recovery na siya.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …