Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, Sunshine, Roxanne, at Maja, nagbukingan

SA Reunion of 4 Witches vlog ni Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel ay nagkaroon ng pa-games portion ang cast ng Wildflower na sina Maja Salvador, Roxanne Barcelo, Sunshine Cruz, at si Aiko.

Ang unang tanong ni Aiko ay kung sino sa kanilang apat ang emosyonal at lahat sila ay si Roxanne ang sagot. Bakit?

“Open kasi ako sa emosyon ko sa lahat ng napi-feel ko. Noong panahon na ‘yun (taping ng Wildflower), ‘yun ‘yung (rock bottom) ko.  Ngayon hindi na,” say ni Roxanne.

Hirit naman ni Maja, “napanood kita sa ‘Showtime’ nanalo siya tapos ‘pag magsasalita na siya, emosyonal na siya tapos biglang tatawa, baliw talaga ‘yan.

“Ahh oo nga bipolar,” sabi naman ni Aiko.

Paliwanag pa ni Roxanne, “akala ko noong ‘Wildflower,’ rock bottom na, pero noong nategi si Fudra (daddy niya), mas rock bottom pa pala so parang wala lang ‘yung naramdaman ko noon (taping) kompara sa nategi si fudra. Pero lahat naman tayo open tayo, so since lahat naman tayo close, so lahat ng chika, go.”

Ibinuking pa ni Maja na sadyang iyakin si Roxanne dahil nagbabasa lang ng script ay umiiyak na, “tapos ‘pag sinabing papatayin na siya sa show, umiiyak na ulit.”

Natawa namang sabi ni Aiko, “ay oo nga, bakit ka nga ba ganoon, Roxy? Magpa-check ka minsan.”

At ikalawang tanong ay sino sa kanilang apat ang pinaka-mahinhin at lahat sila ay si Sunshine ang sagot. Marunong bang magalit ang isang Sunshine Cruz?

“Bihira. Mas mabuting magkulong (sa kuwarto) na lang ako o hindi magsalita kasi sumasakit ang ulo ko kapag nagagalit ako ng sobra at saka ‘yung puso ko, dugdugdugdug, eh, mayroon kaming lahi na nate-tegi sa cardiac arrest. Kaya mas mabuting relaks-relaks na lang. Ewan ko, sinasabi nila mahinhin-mahinhin, eh, ganito talaga ako, Sis,” paliwanag ni Shine.

Ikatlong tanong ay sino kina Aiko, Shine, Roxanne, at Maja ang pinaka-malungkot kapag nakikipag-break.

Si Aiko ang sinagot nina Shine, Roxanne, at Maja na ikinagulat ng una.

“Talaga ako?” takang sabi ng aktres.

“’Yun nga kapag nag-aaway kayo akala mo break na kayo, ganoon palagi,” sabi kaagad ni Majs.

“Ah oo nga ‘pag nag-aaway kami feeling ko break na kami, ganoon ba ‘yun, ha, ha,ha,” tumawang sabi ni Aiko.

Hirit naman ni Shine, “oo minsan mahahalata mo sa mga post mo sa social media, kaya sabi ko,’naku, mukhang nagkatampuhan sila. Naku, nag-break ba sila?’ Nag message na ako sa ‘yo Aiko, ‘are you okay sis, I’m just here for you.’”

Tawa naman ng tawa si Aiko sa mga narinig niyang sabi tungkol sa kanya.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …