Sunday , November 24 2024

MTRCB ‘papansin’ sa panahon ng CoVid-19

MASAMA ang tingin ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa video streaming platforms na may operasyon sa Filipinas — ‘yan ang NETFLIX.

Itutuloy raw ni MTRCB chair Rachel Arenas ang  pagkontrol o pag-regulate sa NETFLIX.

“Not because it’s impractical we’re not going to pursue what is written in the law. Slowly, we have to do something about it, and that’s what we’ve been working on for almost a year now,” matigas na pahayag ni Madam Chair.

‘Yan ay kasunod ng sandamakmak na bashing na kanilang natanggap mula sa netizens.

Aba, talagang hindi maganda ang reaksiyon ng sambayanang  NETFLIX viewers.

Walang alternative na panooran ng pelikula ngayon kundi ang NETFLIX dahil walang sine.

Bakit nga naman panghihimasukan ng MTRCB ang operasyon ng NETFLIX sa bansa, gayong maayos naman ang self-regulation na kanilang ginagawa sa kanilang programa.

Bukod pa riyan, klaro sa kanilang programming kung anong edad ang dapat manood. Nariyan ang mga magulang ng mga batang menor de edad, mismong sila ay nagbabantay kung ano ang pelikula na dapat panoorin ng kanilang mga anak.

Ayon sa isang law professor on media and technology sa University of Sto. Tomas (UST), hindi maaaring i-regulate ng MTRCB ang video streaming applications dahil wala ito sa mandato nila sa ilalim ng Presidential Decree 1986.

“Klaro sa kanilang mandato, ang trabaho nila ay: ‘to regulate and classify movies, television programs, related publicity materials and/or promotional materials,’” ayon kay Prof. Enrique dela Cruz.

Matagal nanahimik itong MTRCB, nagulat tayo kung bakit biglang ‘umingay’ ngayon.

Gusto bang magpapansin para sabihing mayroon silang ginagawa sa panahon ng pandemya?!

Mukhang may sariling interpretasyon si Madam Arenas sa PD 1986, ganoon ba iyon?

Madam, sa panahon ng pandemya na marami ang ‘nabuburyong’ sa buhay, huwag ninyo silang tanggalan ng mapaglilibangan.

Wala ka na bang ibang maisip gawin dahil walang gumagawa ng pelikula ngayon at ilang estasyon na lang ang imino-monitor ninyo?!

Mas maigi sigurong magpalamig muna kayo sa ‘napakalamig’ ninyong opisina para makapag-isip naman kayo ng mas kapakipakinabang na aktibidad.

Try n’yo kayang mag-TikTok muna at i-upload sa social media?!

Diyan baka maaliw sa inyo ang sambayanang NETFLIX viewers.

Hik hik hik…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *