INANUNSIYO nung Huwebes ni Utah Jazz guard Donovan Mitchell na magdo-donate siya ng $45,000 mula sa proceeds ng kanyang bagong signature sneakers para suportahan ang edukasyon ng mga anak ni Jacob Blake.
Si Blake, 29-year-old Black man na binaril ng mga police nung Linggo sa Kenosha, Wisconsin. Ayon sa abogado ng Blake family, si Blake ay naging paralitiko mula sa beywang pababa.
Ang Mitchell’s Adidas D.O.N Issue#2 Spidey Sense sneaker ay inilabas na nung Biyernes, at sinabi ni Mitchell na ang unang $45,000 ng proceeds ay ilalagay sa college fund ng mga anak ni Blake. Dagdag pa ng Jazz star na ang Adidas ay tatapatan ang proceeds, nangangahulugan na aabot ang donation sa $90,000 para sa edukasyon ng mga anak ni Blake.
Ang pagkakabaril kay Blake ay nagkaroon ng matinding impact sa NBA. Hindi naglaro ang mga manlalaro nung playoff games na nakatakda nung Miyerkules at Huwebes bilang protesta sa pagkakabaril kay Blake. Ang Milwaukee Bucks ay sinimulan ang protesta nang hindi ito maglaro nung Miyerkules sa matchup nila ng Orlando Magic.
Pagkaraang magkaroon ng meeting ang mga mga manlalaro at ang liga kung paano maisasatinig ang social change, nagpasya ang mga manlalaro na ituloy na ang playoffs, pero wala ring laro nung Biyernes.
Ang mga atleta mula sa MLB, the NHL, the WNBA, MLS at tennis ay hindi rin nagsipaglaro bilang protesta sa social injustice, systemic racism at police brutality, dahilan ng pagkakabinbim ng mga laro.
Ang Jazz ay lamang sa serye 3-2 laban sa Denver Nuggets sa 1st round playoff series, at si Mitchell ang may malaking laro para sa Jazz.