Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong tiyak may ipapalit kay Morales

KINOMPIRMA ni Senator Christopher “Bong” Go na target ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapalit bilang President CEO ng Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth) ang isang indibidwal na kayang linisin  ang ahensiya mula sa pinakamataas hangang sa pinakamababang posisyon.

Inihayag ni Go, dapat ay matapang, malinis at may will power ang susunod na presidente ng PhilHealth habang  zero tolerance ang magiging policy nito.

Bagamat hindi pinangalanan, nagpahiwatig si Go na ang tinatarget ng pangulo na susunod na PhilHealth chief ay mula sa private sector pero sanay sa pag-iimbestiga at posibleng silent worker.

Sinabi ni Go, kailangang mag-move forward na ang PhilHealth at dapat ay nagbibilang ang ahensiya ng kung ilan ang natulungang pasyente taliwas sa naririnig ngayong usapan tulad ng magkano ang mga nanakaw sa ahensiya.

Ayon kay Go, pagod na at nabibingi na si Pangulong Duterte sa mga naririnig niyang katiwalian sa PhilHealth at mga reklamo ng iregularidad.

Binigyang diin ni Go na kritikal ang papel ng PhilHealth ngayong nahaharap sa health crisis ang bansa dahil sa pandemyang CoVid-19 kaya naman dapat ay magamit sa mga miyembro ang bawat pisong pondo ng ahensiya. (N. ACLAN/C. MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …