Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digital series nina Enchong at Erich, kaabang-abang

PAREHONG aktibo sa kani-kanilang vlogs sina Enchong Dee at Erich Gonzales at maganda ang tandem nila kapag magkasama sila kaya naisip nilang mag-collab.

Ito ‘yung sinasabi ni Enchong na susubukan niyang gumawa ng digital series pero hindi muna niya binanggit kung sino ang kasama at heto habang isinusulat namin ang balitang ito ay ipinost na ng aktor sa kanyang IG account na si Erich nga ang makakasama niya.

“I’m proud to announce that @erichgg and I are launching our very own channel under @enrichoriginals that will produce original series in different digital platforms we listened to you guys and the fruits of our labor will soon be available to you for FREE. For more details, subscribe to our enrich originals YouTube channel as early as now.”

Ang nakaraang Fun Car Raid with Enchong ni Erich ay umabot sa 1M views at ang A Day in my Life with Enchong na ipinagluto siya ng aktres ay nasa 666k views na.  Samantalang business meeting pala nila iyon para sa digital series nila.

Kaabang-abang ang ipo-produce na digital series ng Enrich Originals at curious kami kung sino ang direktor dahil marunong magdirehe ang aktres, hindi nga kaya?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …