Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

McCoy, lumipat na ng Viva

INIWAN na ni McCoy De Leon ang Star Magic dahil nasa Viva Artist Agency na siya.

Ito ang nakuha naming tsika nang may mag-inquire kay McCoy para sa isang online project pero sabi ng Star Magic handler niya ay sa Viva na makipag-coordinate dahil hindi na nila hawak ang aktor na nagpaalam na nitong Lunes ng gabi lang.

Nakilala si McCoy bilang miyembro ng Hashtag sa It’s Showtime at kabilang din siya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 kasama ang kapwa dancer na si Nikko Natividad sa 2 in 1 Celebrity Housemate.

Napasama si McCoy sa isa sa toprating show ng ABS-CBN na Be Careful with My Heart (2014-2016) na unang programa niya at nagkasunod-sunod na.

Sa pelikula ay nakasiyam na siya at nagmarka sa mga pelikulang Block Z, Sin Island, D’ Ninang, Ang Panday, at G!

Sa kasalukuyan ay kasama si McCoy sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang kapatid ni Alyana (Yassi Pressman).

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang anunsiyo ang Viva tungkol sa paglipat ni McCoy sa kanila.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …