Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 direktor, nagpayabangan sa kani-kanilang useless talent 

KAKA-UPLOAD lang sa Nickl Entertainment YouTube channel na pag-aari ni Direk Cathy Garcia-Molina ang part two ng tsikahan nilang Girls Wanna Have Fun episode na may titulong Paha-Bowl (na bubunutin virtually ang mga tanong) kasama ang mga direktorang sina Mae Cruz-Alviar, Irene Villamor, Sigrid Andrea Bernardo, at Antoinette Jadaone.

 

Naaliw kami sa mga sagot nila sa mga tanong tulad ng ‘Pumili ng isang direktora within this group ang bigyan ng honest criticism ang isa sa trabaho niya.

 

Halos sabay-sabay nagsabi ang lima ng, ‘ang hirap sagutin, next question na lang.’

 

May paliwanag si Sigrid, “ang hirap kasi lahat naman tayo hindi critic, so ako ayoko ring mag-critic of course may kanya-kanya tayong opinyon sa bawat pelikula pero para mag-critic ako ngayon, hindi, creator ako gaya ninyo, so parang ‘wag na lang.”

 

Kuwento naman ni direk Cathy na sila ni direk Mae ay nagsasabihan bilang magkaibigan, “we develop that kind of relationship na kahit masaktan ka, sasabihin ko talaga.”

 

Hirit ni direk Sigrid, “eh, okay lang kayo, sina Irene at Tonette kasi close sila (pareho slang Cornerstone talents), eh, ako hindi pa naman tayo close lahat, wala pa tayo sa ganoong level.”

“Oo nga, baka mamaya may mag-away-away pa sa ending,”saad naman ni direk Cathy.

 

Kaya lahat sila ‘pass’ at ang emergency question ay, ‘What is the most useless talent you have?’

 

Iisa ang reaction ng lahat, ‘grabe talent nga, eh tapos useless?’

 

Sinagot ni direk Mae, “ako mayroong useless talent, kasi ‘pag lumangoy ako ‘yung paa ko lang without using the (hands) kasi noong bata, ako pangarap kong maging synchronize swimmer (swimming). Kaya kong mag-back stroke, mag-forward, parang useless ‘di ba?, ha, ha, ha san ko gagamitin ‘yun? Kaya kong gumalaw-galaw ng ganoon.’’

“Ako wala akong talent talaga, kasi mas marami akong useless talagang talent, hindi ako marunong mag-pusoy dos, mag-bike, at mag- swimming. Hindi rin ako marunong magtaas ng kilay, hindi ako marunong kumindat, dami kong hindi alam, pero kaya kong tumulala ng matagal, ’’ sabi naman ni direk Irene.

 

Hagalpakan ang lahat.

 

“Ako feeling ko ito useless, eh. ‘Yung cherry, ‘yung stalk kukunin mo tapos binibilot mo sa dila mo, kaya ko ‘yun, eh, pero para saan naman ‘yun?” saad ni direk Cathy.

 

Pagmamayabang naman ni direk Sigrid, “Ako naman napapagalaw ko tenga ko left and right (sabay muwestra) at pati ‘yung sa kaliwang thumb niya ay nababali niya, kaya n’yo ba ‘yan?”

 

Ginaya naman ng apat na direktora pero hindi nila nagawa.

 

Si direk Tonette naman ay ang pagpupukpok ng kaliwang kamay habang  kinakaskas naman ang kanang kamay at puwedeng sa kabila rin.

 

Pilit na ginagaya ni direk Sigrid pero hindi masyadong gaya, “hindi mo kaya Sigrid, iba ‘yan. Sobrang inaral ko talaga ‘yan noong grade school ako,” sabi naman ni direk Tonette.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …