Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babala ng DOH: Dexamethasone online selling mapanganib

NABABAHALA ang Department of Health (DOH) sa mga natang­gap nilang ulat na may mga nagbebenta ng steroid drug na dexamethasone sa social media platforms bilang gamot umano para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang virtual press briefing, muling inilinaw ni DOH spokes­person Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi lunas sa COVID-19 ang dexamethasone at ibinabala ang paggamit sa naturang gamot nang walang prescription mula sa doktor.

“Hindi po lunas sa COVID-19 ang dexamethasone at kami po ay nagbibigay ng babala sa mga unregulated use ng gamot na ito nang walang payo ng doktor,” wika ni Vergeire.

Maging ang Food and Drug Administration (FDA) ay naglabas na rin ng babala sa publiko na huwag basta-basta bibili ng nasabing gamot.

Iginiit ng FDA, mahigpit na ipinag­babawal ang pagbebenta ng hindi rehistradong dexamethasone, maging ang pagbebenta nito na walang valid prescription o sa pamamagitan ng online platforms.

“The Food and Drug Administration (FDA) strongly reminds the public that Dexamethasone is a prescription drug and should strictly be used under the supervision of a licensed physician,” saad ng FDA.

“All violators shall be dealt with legal actions,” dagdag ng ahensiya.

Una nang inihayag ng DOH na bagama’t isang major breakt­hrough o malaking development sa larangan ng siyensiya ang dexamethasone, kaila­ngan pang mapatunayan ang bisa nito laban sa deadly virus.

Dapat din aniyang mag-ingat ang publiko sa posibleng side effect ng gamot.

“Dexamethasone has only been given to patients who are critically hospitalized, those who are already intubated and supported by a ventilator, or those who require oxygen therapy,” anang opisyal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …