Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reskilling, upskilling ng mga empleyado, napakahalaga — Angara (Sa ilalim ng new normal)

KAILANGAN matuto ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, ng mga bagong kaalaman o kaya’y magdag­dag ng mga bagong skills na maaari nilang magamit sa pagbabalik-trabaho o pag-a-apply sa panibagong trabaho sa ilalim ng tinatawag na new normal.

Ito ang binigyang-diin ngayon ni Senador Sonny Angara kaugnay sa mga ulat ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga mangga­gawang nawalan ng trabaho sa bansa sanhi ng pandemyang COVID-19.

Aniya, napakahalagang mag-reskill at mag-upskill ng mga manggagawa upang makapag-adjust sa anomang trabaho na maaari nilang mapasukan sa mga panahong ito.

“Nakalulungkot na uma­bot na sa 17.7 por­siyento nitong Abril pa lamang ang datos ng ating un­employment. Ang ibig sabihin, mahigit 7 milyong empleyado ang na-displace dahil sa pandemya. Ito ay dulot ng pagsasara ng napakaraming establi­simiyento o kaya naman ay pagbabawas ng mga kompanya sa kanilang mga empleyado,” ani Angara.

“Ito ang dahilan kung bakit isinusulong natin ang pag-upskill sa mga mang­gagawa upang kahit paano ay muling umalagwa ang kalakalan partkular sa digital businesses. Sa panahong ito na hindi na normal ang takbo ng lahat, ito ang dalawang bagay na dapat nating matutunan – reskilling at upskilling,” dagdag ng senador.

Aniya, isinulong sa Senado ang dalawang panukalang batas, ang SBN 1469 o ang National Digital Careers Act at ang SBN 1470 o ang National Digital Transformation Act.

Ani Angara, ‘di tulad ng mga tradisyonal na trabaho, tiyak na hindi maluluma sa panahon ang digital careers. Ito ang dapat tutukan at samantalahing pagkakataon ng mama­mayan.

“Makikipag-ugnayan tayo sa Department of Education (DepEd) at sa TESDA para sa mga kauku­lang digital skills training para naman masigurong may mapupuntahang traba­ho ang ating mga kaba­bayan,” ayon sa senador.

Kabilang sa digital careers na may malalawak na oportunidad ang web development and design; online teaching and tutoring; content creation; digital marketing; mobile app development; search engine optimization; web research, business intelligence and data analytics; transcription and data entry; customer service and technical support, human resource management and systems; at medical coding, billing at iba pang health IT services.

Sa ilalim ng new normal, malaki ang magiging pagba­bago sa sistema ng ating edukasyon. At napakalaki ang maitutulong ng tek­nolohiya.

“Ngayon pa lang, gawin na nating bahagi ng curriculum ng mga estudyante ang teknolohiya at mas makabubuting sa primary school pa lang, umpisahan na natin ito. Mas malaki ang oportunidad na naghihintay sa kanila balang araw makatapos man sila ng pag-aaral o hindi,” pahayag ni Angara.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …