Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Ping magmamartsa sasama sa protesta (Anti-Terrorism Law kapag inabuso)

KUNG mapanuri na siya noong tinatalakay pa lamang sa kanyang komite sa Senado, mas maigting na pagbabantay ang gagawin ni Senador Panfilo Lacson oras na maging batas na ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Tiniyak ito ni Lacson bilang tugon sa mga nagpapahayag ng pagkabahala at pag­katakot sa magiging uri ng pagpapatupad ng mga awtoridad oras na ganap nang maging batas ang panukala.

Ayon kay Lacson, hindi biro ang pinag­daanan sa Senado ng naturang panukala para lamang matiyak ang paglalagay ng safe­guards, kaya hindi niya papayagan na masalaula ang implementasyon nito.

“The Anti-Terrorism Bill is the wrong tree to bark at. I vow to join those who are concerned, genuinely or otherwise, about the proposed law’s implementation to be as vigilant in monitoring each and every wrongful implementation by our security forces, even to the point of joining them in street protests, just like what I did before during the time of former President Gloria Macapagal-Arroyo,” mariing pahayag ni Lacson.

Sa pinal na bersiyon ng Senado, tiniyak ang safeguards tulad ng 10 taong pagkakakulong at permanenteng ban na makapagtrabaho sa alinmang sangay ng pama­halaan sa alagad ng batas na hindi agad magbibigay-alam sa pinakamalapit na huwes at Commission on Human Rights na sila ay may hinuli.

Ayon kay Lacson, kung may mga ganitong pangyayari ay agad na pangungunahan niya ang imbestigasyon upang maitama ang maling nagawa dahil taliwas ito sa mithiin ng batas na pinagpaguran nila sa Senado.

“I assure them that I will be the first to stand on the Senate floor and call out those responsible for abuse at the top of my voice in privilege speeches and Senate inquiries, if and when it comes to that, as I have done so before and during this current administration,” banggit ni Lacson.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …