Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

2 PUI na preso pumuga sa quarantine facility sa Delpan arestado

MABILIS na naibalik sa Delpan quarantine facility ang dalawang detainee ng Manila Police District – Sta. Ana Station (MPD-PS6) na itinuturing na person under investigation (PUI) sa COVID-19  ilang oras nang madiskubreng tumakas sa pasilidad kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ni MPD director P/BGen. Rolando Miranda, ang mga ‘pugante’ na sina Ceasar Adriatico, 25 anyos,  naaresto dahil sa paglabag sa RA 9165, residente sa Pasig Line St., Sta. Ana, at Jerick Savallon, 19 anyos, residente sa San Andres, Maynila, naaresto sa kasong paglabag sa RA 7610.

Sa imbestigasyon, nadiskubre ng bantay sa nasabing pasilidad na wala sa loob ang dalawang detainee dakong  7:30 am sa Delpan St., Binondo, Maynila.

“Nakuha po sila ng police kanina sa Sta. Ana area,” kompirma ni Miranda.

Kasunod nito, puspusan ang isinasagawang contract tracing ng MPD sa mga taong posibleng nakasalamuha ng mga tumakas na PUI detainees.

Maging ang mga pulis na nakarekober sa mga tumakas ay pansamantalang malalayo sa kanilang pamilya dahil isasailalim rin sa 14-day quarantine. (BRIAN BILASANO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …