Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
tubig water

COVID-19 para masugpo… Malabon Mayor Lenlen Oreta nanawagan sa water concessionaires

HINIMOK ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang mga kompanyang responsable sa supply ng tubig sa lungsod tulad ng Maynilad at Manila Water na dagdagan ang supply ng tubig sa mga kabahayan sa Malabon mula sa maititipid nilang tubig na nakalaan sa mga mall at iba pang komersiyal na establisimiyento, alinsunod na rin sa “enhanced community quarantine” na ipinatutupad ngayon sa Luzon.

“Napakahalaga ng tubig para malabanan ng bawat kabahayan ang COVID-19 lalo pa’t pinaalalahanan tayo ng DOH na sa wastong paghuhugas ng kamay at tamang personal hygiene maaaring maiwasan ang pagkalat nito. Sa pagsasara ng mga mall at mas maiksing operating hours ng iba pang establishments, may matitipid tayong kaunting tubig diyan na maaaring ipagamit naman sa mga residente,” pagdidiin ni Oreta.

Simula pa noong nakaraang taon ay nakaranas na ng problema sa supply ng tubig ang Malabon at ikinababahala ng alkalde kung magpapatuloy ito.

“Nananawagan kami sa ‘water concessionaires’ na sana ay ikonsidera ito dahil kailangang-kailangan ng mga mamamayan ang tama at hustong suplay ng tubig lalo na ngayong  panahon ng pandemic na ito. Inaasahan ko ang kanilang kooperasyon,” dagdag ni Mayor Lenlen.

Nitong 16 Marso, nagpatupad ang pangulo ng “enhanced community quarantine” sa buong Luzon na estriktong ipapatupad sa lahat ng kabahayan kabilang ang suspensiyon ng transportasyon at “non-essential travels.”

Kaugnay nito, nagpasa ang Sangguniang Panlungsod ng Malabon ng isang resolusyon na naglilimita ng oras ng mga malls at iba pang establisimiyento, at isa pang resolusyon na nagdedeklara ng “state of calamity” para sa bayan para sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng siyudad. (NIÑO ACLAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …