Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Jose del Monte City SJDM

COVID-19 #2 sa SJDM, kinompirma ng DOH

IPINATUPAD ang city-wide quarantine sa San Jose del Monte City, sa lalawigan ng Bulacan matapos kompir­mahin ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Alinsunod ito sa ipinaiiral na Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution 11 Series of 2020.

Ayon sa City Health Office (CHO) ng SJDM, kasalukuyang naka-confine ang dalawang pasyente sa mga pagamutan sa National Capital Region (NCR).

Pagtitiyak din ng CHO, agad silang nakapagsagawa ng contact tracing sa mga indibiduwal na maaaring nakasalamuha ng mga pasyente at nakapaglunsad na sila ng disinfection sa mga naturang lugar.

Kasunod nito, nagpaa­lala si CSJDM Mayor Arthur Robes sa publiko na huwag mabahala, manatiling kalmado, at sumunod sa mga paalala ng pamahalaang lungsod ng San Jose del Monte, City Health Office, at ng DOH.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …