Saturday , November 23 2024
philippines Corona Virus Covid-19

Magkaisa laban sa coronavirus (COVID-19)

HINDI biro ang hinaharap na pagsubok ngayon ng buong mundo dahil sa patuloy na pagkalat ng coronavirus o COVID-19.

Likas man ito o bio-chemical warfare na ipinakalat umano ng mga kolonyalista, wala na tayong magagawa kundi harapin ito nang buo ang loob, may pagkilala sa ating mga lider, nagkakaisa at higit sa lahat may pananalig sa Dakilang Lumikha.

Hindi emosyon ang kailangan nating pairalin sa labang ito. Dapat ay gumamit tayo ng isip. Hindi lamang mga doktor o opisyal ng gobyerno ang may responsibilidad para mapawi o tuluyang puksain ang kumakalat na coronavirus o COVID-19.

Mismong tayo sa sarili natin ay dapat maging maingat upang hindi na tayo maging biktima ng coronavirus.     Ang pagiging ligtas natin at ng ating pamilya sa virus na ito ay malaking tulong sa ating bayan at sa ating pamahalaan.

Marami ang hindi nasisiyahan sa ‘lockdown,’ pero sa mga bayan na nakaranas na magkaroon ng kaso ng COVID-19, mas pabor sila sa pagkakaroon ng ‘community quarantine’ o kahit ‘lockcdown’ pa ‘yan.

Sa mga inilunsad na community checkpoints sa hangganan ng bawat lungsod, makikita ang mga kagawad ng pulisya at militar na siyang kumukuha ng thermal temperature ng bawat pasahero o motorista.

Pero kapansin-pansin na tila isa lang ang thermal scanner sa bawat checkpoints. Naturalmente magiging mabagal at mag-iimbudo ang mga sasakyan at mga pasahero sa checkpoints.

Kung ganoon ang mangyayari, magka­karoon na naman ng panganib na magkahawaan sa checkpoints?!

Sana’y makita agad ito ng mga awtoridad nang sa ganoon ay hindi na maging komplikado pa ang mga sitwasyon sa susunod na araw.

Mga suki, sana’y magkaisa tayo sa pag-iingat at paglaban sa COVID-19.

Kaya natin ito!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *