Thursday , December 19 2024

Sunog sa Malabon… 3 sugatan, 150 pamilya nawalan ng tirahan

TATLO  katao, kabilang ang isang fire volunteer ang nasugatan habang nasa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy,  dakong 3:00 am nang sumiklab ang sunog sa bahay na inuupahan ni Lita Quitlong sa Letre, Brgy. Tonsuya, hanggang mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Napaulat, wala si Quitlong sa kanyang bahay nang sumiklab ang hindi pa matukoy na pinagmulan ng sunog.

Kaagad iniakyat ng BFP ang sunog sa ikaapat na alarma at idineklarang under control dakong 4:57 am bago tuluyang naapula 6:02 am. Tinatayang nasa P1.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo.

Dalawang residente sa lugar ang napaulat na nasugatan at napinsala ng second degree burn sa katawan habang dumanas ng heat exhaustion ang isang fire volunteer. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *