Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pastillas’ ops sa human trafficking nabuyangyang sa senado

HINDI natin akalain na sa hinaba-haba ng panahon na lagi nating tinatalakay sa ating kolum ang ‘human trafficking’ o pamamasahero sangkot ang ilang taga-Bureau of Immigration (BIA) diyan sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay darating ang panahon na mabubuyangyang ito sa Senado dahil sa masugid na pagbusisi ni Senator Risa Hontiveros sa talamak na prostitusyon kasabay ng pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ng mga dayuhang Chinese national.

Supposedly, human trafficking on Chinese women ang target na busisiin ni Sen. Hontiveros dahil sa pamamayagpag ng POGO pero kamukat-mukat niya ‘e natisod niya ang ‘pastillas’ ops ng ilang taga-BI-NAIA.

Kung tutuusin, luma na ang video na ipinakita ng Senadora. Naipakita na ito noon ni Mr. Ramon Tulfo.

At ang mga ipinatawag na mga opisyal ni Senator Risa ay masasabi nating hindi gaanong ‘maalam’ sa operasyon ng human trafficking.

Masakit mang sabihin baka nga, bukol pa ang inaabot nila riyan.

Imumungkahi natin kay Madam Risa na ipatawag niya ang isang alyas Boy Pisngi o si Cheek Boy, diyan sa NAIA terminal 2, dahil balitang-balita na riyan dumaraan ang sandamakmak na Chinese national na sinasalubong, ini-escort at nilalagyan ng VIP tag ng grupo nila.

Kahit ipagtanong lang po ninyo, Senator Risa si Boy Pisngi, dahil kilalang-kilala siya riyan sa NAIA Terminal 2.

‘Yung pagbabalot na parang ‘pastillas’ sa abutan, lumang estilo na po ‘yan. Marami na po silang bagong estilo na disimulado.

O kaya ay itanong po ninyo kay BI NAIA terminal 2 chief, Dennis Robles kung kilala niya si Boy Pisngi o si Cheek Boy.

O Mr. Dennis Robles, sabi ni Senator Risa, halos P10 bilyones na raw ang naisubi ng ‘Patillas’ gang na ‘yan, hindi ka man lang ba napagkape ng mga ‘yan?!

Itanong mo kaya kay Boy Pisngi?!

Hataw na, Senadora Risa!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …