Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Truck driver hinataw ng tire wrench sa ulo

MALUBHANG nasugatan ang isang truck driver makaraang paghahatawin ng tire wrench ng isang kabaro nang magkainitan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Patuloy na ginagamot sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang kinilalang si Teoro Padayhag, 46 anyos, ng Kalayaan, Kings Point, Bagbag, Quezon City, sanhi ng matinding tama ng palo sa ulo.

Nahaharap sa kasong attempted homicide ang suspek na si Alexander Malagamba, 25 anyos, residente sa Purok 3 Macabling, Sta. Rosa, Laguna.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 1:40 pm, kapwa nakaparada ang minamanehong truck ng biktimang si Padayhag at ng suspek na si Malagamba sa Emergency Parking ng NLEX Westbound, Mindanao Avenue, Brgy. Ugong, sa nasabing lungsod.

Bumaba sa minamanehong truck ang biktima at kinompronta ang suspek hinggil sa side mirror ng kanyang truck na nasagi ni Malagamba, na naging dahilan ng kanilang pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng tire wrench ang suspek at hinataw sa ulo ang biktima kaya mabilis na tumakbo ngunit hinabol pa rin ni Mala­gamba.

Nang abutan ay muli na namang pinalo ng tire wrench ngunit biglang dumating ang mobile roadway security ng NLEX sa naturang lugar at inaresto ang suspek saka inendoso sa security guard bago binitbit sa himpilan ng pulisya.

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …