Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Silhouette of a business man

Pulis sinapak ng lalaking nabitin sa Mariang Palad

NABITIN sa ginaga­wang pagpaparaos sa sariling sikap ang isang electrician kaya sinapak ang isang pulis na bantay ng kanyang computer shop habang nanonood ng porno­graphic movie sa Caloocan City, kamaka­lawa ng gabi.

Nakapikit at kagat-labing tila maaabot na ni Aldrin Bangayan, 30 anyos, residente sa Lirio St., Bo. San Jose, Brgy. 187, Tala ang rurok ng ligaya habang ginagawa ang pagpaparaos sa sarili nang bigla siyang sitahin ni P/Cpl. Tayron Guilot ng Manila Police District (MPD), may-ari at nagbabantay ng computer shop dakong 11:50 pm, kamakalawa.

Nabitin ang pag­bulwak ng ligaya na abot-kamay na sana ni Bangayan kaya’t kahit nagpakilalang pulis ang may-ari ng computer shop, hindi napigilan ng suspek ang init ng ulo at matapos sabihin na walang pulis-pulis sa kanya, sinapak agad si Guilot.

Dito nagpambuno ang dalawa hanggang dumating ang mga bara­ngay tanod na hiningan ng tulong ng iba pang customer ng computer shop na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Napagalaman, ha­bang binabantayan ng pulis ang computer shop, isang customer ang nagsumbong sa kanya sa ginagawang paglalabas ni Bangayan ng kanyang ari habang nanonood ng porn movie at sinimulang magpa­raos sa sarili.

Nahaharap sa pa­tong-patong na kasong direct assault, dis­obedience and resistance, at paglabag sa PD 969 o Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows sa piskalya ng Caloocan City si Bangayan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …