LOS ANGELES — Hindi nakaligtas sa kamatayan si Kobe Bryant, ang 18-time NBA All-Star na nagwagi ng limang championships at tinawag na “greatest basketball players of his generation” sa kanyang 20-taong karera sa Los Angeles Lakers, nang mag-crash ang sinasakyang helicopter nitong Linggo (Lunes sa Maynila).
Edad 41 anyos ang pambihirang basketbolista.
Namatay si Bryant sa helicopter crash malapit sa Calabasas, California, ayon sa nakapanayam ng The Associated Press.
Naganap ang pagbagsak ng helicopter dakong 10 am, 30 milya sa hilagang kanluran ng downtown Los Angeles.
Kasama sa mga namatay ang 13-anyos na anak ni Kobe na si Gianna, a.k.a. Gigi.
Patay din ang sports coaches at kasamahang teenager ni Gigi , patungo sa Mamba Academy ni Bryant para sa isang practice session nag bumagsak ang helicopter sa Calabasas.
Kinilala ang ibang namatay na sina John Altobelli, head baseball coach ng Orange Coast College, asawang si Keri, at anak na si Alyssa; Christina Mauser, empleyado sa Mamba Academy; ang mag-inang Sarah Chester at Payton; at ang pilot na si Ara Zobayan.
Ayon kay Colin Storm, nasa sala siya ng kanilang bahay sa Calabasas nang marinig niya ang tunog ng tila mababang lipad na eroplano o helicopter.
Aniya, “It was very foggy so we couldn’t see anything. But then we heard some sputtering, and then a boom.”
Ayon kay Federal Aviation Administration spokesman Allen Kenitzer, isang Sikorsky S-76 ang sinakyang helicopter nina Kobe at hindi pa rin alam kung ano ang sanhi ng pagbagsak.
“The Sikorsky S-76 is generally regarded as a good helicopter with a good safety record,” ani Gary C. Robb, isang aviation attorney sa Kansas City. “But parts fail, parts break. Anything can happen,” dagdag niya.
Si Bryant ay dating nakatira sa timog ng Los Angeles sa coastal Orange County noong kanyang kabataan.
Lagi umanong naka-helicopter si Bryant upang makaiwas sa grabeng trapiko sa California.
Apat ang anak na babae ni Bryant sa kanyang asawang si Vanessa.
Inihandog ni Bryant ang kanyang sarili upang palakasin ang mga kababaihan sa sports sa kanyang retirement, at hyangarin niyang patuloy na magturo at magpanday ng basketball players.
Hindi nakapagtataka na ang anak na si Gianna, mas kilala bilang Gigi, ay isang talentadong basketball player.
Nagretiro si Bryant noong 2016 bilang third-leading scorer sa kasaysayan ng NBA.
Huling mensahe niya kay LeBron James, “Continuing to move the game forward (at) KingJames.”
“Much respect my brother.”