Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Butt Puwet Hand hipo

Kaibigang dalagita dinakma, binata kulong sa molestiya

SWAK sa kulungan ang isang 28-anyos binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa isang kaibigang dalagita na kabilang sa inimbitahan niyang uminom ng alak sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Batay sa ulat, inimbita­han ni Jeffrey Borromeo ang biktmang itinago sa pangalang Kyla, na kanyang kaibigan at apat pa sa isang inuman sa kanilang bahay sa #133 C. Guansing St., Brgy. Polo ng nasabing lungsod.

Nang makaubos na sila ng ilang bote ng alak, nakaramdam ng pagkahilo ang dalagita kaya’t hinaya­an muna siya ng mga kainuman na pansaman­talang magpahinga.

Nang makaalis ang apat na kainuman dakong 7:00 pm, dito nagkaroon ng pagnanasa si Borromeo sa kaibigan at sinamantala niyang molestiyahin ang natutulog na dalagita.

Gayonman, nang maramdaman ng biktima ang paghalik sa kanyang labi at marahas na pagdakma sa kanyang dibdib, napa­balikwas siya ng bangon na ikinagulat din ng suspek kaya’t hinayaan na lamang ng lalaki na makaalis ng kanilang bahay ang dalagita.

Nang makauwi, isinumb­ong ng biktima sa kanyang ina ang ginawa ng suspek kaya’t humingi ng tulong ang ina ng dalagita sa mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 5 na nagresulta sa pagkaka­dakip kay Borromeo na ngayon ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness na may kaugnayan sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …