Saturday , November 16 2024
MAHIGIT 300 kilong baboy ang kinompiska ng mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office sa pangunguna ni Dr. Ronaldo Bernasol dahil sa hindi maayos na lagakan sa harap ng isang bahay, sa panulukan ng Advicula St. at FB Harrison St., sa Pasay City kahapon. (ERIC JAYSON DREW)

Karneng baboy na nagpositibo sa ASF sisiyasatin ng QC Councilor

MAKARAANG mag­positibo sa African Swine Fever (ASF) ang karne ng baboy na ibinebenta sa isang supermarket sa Quezon City, sisiyasatin ng isang QC councilor kung paano nakalusot ang naturang karne nitong nakalipas na Holiday season.

Sinabi ni 5th District Councilor Allan Butch Francisco, nais niyang malaman kung paano nakalusot ang naturang karne ng baboy na hini­hinalang may ASF at naibenta pa sa super­market nitong nakalipas na Disyembre 2019.

Magugunitang pinag­papaliwanag ng Depart­ment of Agricul­ture ang National Meat Inspection Service (NMIS) matapos matuklasan ang mga karneng baboy na ibinebenta sa isang supermarket sa Quezon City na nagpositibo sa ASF.

Ayon kay Francisco, ang City Veterinary Office ng Quezon City ang nakadiskubre sa ASF-infected meat sa SM Cherry Supermarket sa QC nitong nagdaaang Disyembre 2019.

Nagtataka rin si Francisco kung paano nakalusot sa inspeksiyon ng NMIS ang mga natu­rang karne ng baboy na hinihinalang infected ng ASF gayong mahigpit ang kampanya ng pamaha­laan laban dito.

Nabatid sa ulat, kumu­ha ang mga awto­ridad ng QC Veterinary Office ng sample ng karne mula sa lahat ng chiller ng nasabing supermarket at ang karne mula sa isa sa mga chiller ang nag­postibo sa virus mata­pos ipasuri.

Kinompirma rin ng Bureau of Animal In­dustry (BAI) na nag­positibo sa ASF ang karne ng baboy.

Nais paimbestigahan ni Francisco ang kom­panyang North Star, supplier ng karne ng SM Cherry Supermarket na nagpositibo sa ASF.

Pansamantala rin itinigil ng North Star ang kanilang operasyon para isailalim sa sanitation ang kanilang mga pasilidad.

Ayon sa Department of Agriculture, ang kompanyang North Star ang supplier ng karne ng SM Cherry  Supermarket at nagpalabas na sila ng notice of closure rito.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *