BINIGYAN ng kasigurohan ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Mark Perete na mananatili ang mahigpit na pagbabantay ng Kawanihan ng Pandarayohan sa bawat paliparan at daungan sa lahat ng panig ng bansa.
Ito ay bunsod ng pagkaalarma ng Philippine National Police (PNP) sa lumalalang bilang ng mga kaso ng kidnapping, partikular sa mga Chinese nationals na lumalaki ang bilang sa komunidad.
“Our Bureau of Immigration has a standing arrangement with the PNP-Kidnapping Group for the identification of those involved in kidnapping operations, and their exclusion or deportation as may be warranted,” pahayag ni Perete na siyang Undersecretary in-charge sa ahensiya.
“It likewise coordinates with the office of the Police Attaché in, among others, the monitoring of the movements of known personalities from China involved in the crim inal operations,” dagdag niya.
Ayon sa datos ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), sa nakaraang 3 taon mayroong 75 kaso ng kidnapping sa Chinese nationals na biktima ng kapwa nila mga Tsekwa.
Labing-anim sa kasong ito ay nangyari noong isang taon samantala 17 kaso noong 2017.
Ibig sabihin ay lumalala pa ang insidente sa taong kasalukuyan dahil sa pagtaas ng bilang nito.
Dagdag ng PNP-AKG, isa sa mga itinuturong dahilan ng paglobo ng mga kaso ang patuloy na pagdami ng mga banyaga na patuloy na nagdaragsaan sa bansa.
Karamihan sa kanila ay mga nagtatrabaho sa casino, online and offshore gamings o POGO.
Datapwat nagkakaroon ng madalas na deportasyon, patuloy na hindi mapipigilan ang pagpunta nila sa Filipinas hangga’t pinapayagan ng pamahalaan ang pagbibigay ng permits sa mga kompanyang nagtatatag ng POGO.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap