Solong tagahatid si Dabarkads Anjo Yllana, ng mga premyong napanalunan ng mga studio audience sa Juan For All, All For Barangay APT. Sila ‘yung mga iniinterbiyu ni Bossing Vic Sotto at EB Dabarkads sa dining table na kasabay nilang kumakain ng masasarap na food with malamig na Coca-Cola softdrink.
Tulad ng 18-anyos na si Giecarl na breadwinner sa kanyang pitong kapatid at mga pamangkin. Sa murang edad ay kinailangan nang magtrabaho dahil wala na ang kanilang nanay at tuwing kinsenas lang umuuwi ang kanilang tatay. Wagi ng total prize na P90K si Giecarl at puwede niya itong paggamit na puhunan sa maliit na negosyo. Iba’t ibang kuwento ang ating matutunghayan sa Barangay APT.
HATAWAN!
ni Ed de Leon